Exactly two weeks from now, the Catholic Mass Media Awards will hold its annual awarding ceremonies, and one of the finalists in Entertainment Column is a Pandaqueña!
She was also a finalist last year. In the 2007 photo above are (from left) Vinz Loiz, Orly Aquino, Tonichi Sanvictores, Gen Sanvictores, Joseph Andrew Carvajal, Renato Carvajal, Mari-an Santos, Ma. Lourdes Carvajal, Sr. Mary Pilar Verzosa, RGS, and Marlon Vargas. (1011: Hulaan nyo kung sino dyan ang ating Pandaquena. Mukhang alam ko na kung sino. :P)
Thanks to simonmakabayan for this information. Click "more" to read his entry …
———-
May isang dalagang taga-Pandacan ang muling finalist (sa ikalawang sunod na pagkakataon) sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) 2008!
Siya ay finalist noong nakaraang taon sa kategoryang Entertainment Column in print. Finalists na kasama niya ang 2 beteranong manunulat na si G. Nestor Torre ng Phil Daily Inquirer at isa namang galing sa Phil Star. Nag-tie ang dalawang beterano, at nanalo sila. Sa taong ito, sa pareho pa rin kategorya finalist ang colum na "Media & You" ng ating kababayan ngunit hindi alam kung sino ang ka-finalist niya.
Ang ating kababayan ay free lance writer at associate editor / editor ng iba"t ibang magazines at publikasyon sa kasalukuyan, hal: Masigasig, GoodHousekeeping, AA Gazette, Mommy Academy, Cosmopolitan, Baguio Midland, Star Teacher, Crossroads, Entrepreneur, atbp. Siya ay nagtapos ng AB Mass Com, cum laude, sa UP-Diliman. Naging bahagi siya ng lokal na produksiyon ng "Miss Saigon" sa Maynila na tinampukan ni Bb. Lea Salonga. Nagtrabaho din siya sa "E" Channel. Dati siyang instructress sa PWU-Manila at UP-Baguio. Sa ngayon ay abala siya sa mga gawain ng isang NGO na nasa Cordillera.
Sa Huwebes, ika-29 na ng Oktubre sa ganap na alas-4 n.h. ang awards night ng CMMA 2008 na gaganapin sa GSIS Auditorium sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City.
Ang tagumpay niya ay tagumpay din nating mga taga-Pandacan, sana"y sama-sama nating ipagdasal ang kanyang tagumpay!
———
Read original blog post