
You probably have heard: an unnamed man (from hereon we’ll call him “he-who-must-not-be-named”) from Davao won the P131M lotto jackpot last Sunday. Solong panalo, walang kahati!
For security purposes, he-who-must-not-be-named remains unindentified. Mahirap na, baka dumami bigla kamag-anak niyan?
Lotto Winning Numbers: 42-12-46-26-49-19
Prize: Php 131 M
…The 6/49 SuperLotto jackpot will return to its initial amount of P16 million for Thursday night’s draw…
Sino bibili ng ticket? :mrgreen: Who will be the next “he-who-must-not-be-named?” What would you do if you win P100 Million?
Whatever you do, balatuhan mo ang Pandacan1011! :P
—–
News source: Inquirer.net
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

October 13, 2008 at 11:15 pm |
parang nakakangarag yata yang 131 milyon pesoses na yan ah!
October 14, 2008 at 4:16 pm |
Ang swerte naman nya. Kami matagal na tumataya pero hanggang 4-5 points lang. :(
Anyway, marami na ring nanalo ng jackpot sa lotto na taga dito sa Pandacan. Meron ditong tatlong nanalo. Yung isa naibalita pa sa tv kasi namigay ng balato at nag donate din sya ng firetruck. Wala pa ako sa Pandacan noon kaya hindi ako nakahingi ng balato, haha! As if naman pipila ako para makibalato ‘no! Yung isa naman 2003 or 2004 yata sya nanalo.
At kung papalarin ako na manalo ng P100 Million , syempre bibili ako ng bahay at sasakyan, magnenegosyo, at magta-travel around the world. At syempre magbibigay din ako sa charity, magpapa-aral ng mga batang gustong mag-aral pero kapos, at magbibigay ng pang negosyo, parang yung nasa Wish Ko Lang :)
October 14, 2008 at 7:38 pm |
halos parehas pala tyo amor ng gustong gwin kpag nanalo sa lotto, pero ang isa pang gusto kong gwin e magtayo ng isang sport stadium sa Pandacan.
marami rin kasing gustong maglaro ng ibat ibang sports ang mga kabataan at subukan rin ang ibang sports na nakikita lang nila sa telebisyon gaya ng baseball, soccer, rugby at iba pa.
saan kaya ito pwede mailagay?
:?:
October 14, 2008 at 8:21 pm |
@Amor, pag nanalo ka magdonate ka sa dito sa 1011 ha? :P Di namin tatanggihan ang tumataginting na P1M. :twisted:
October 15, 2008 at 12:37 pm |
Maganda nga yun stadium Andres, pero ano yung Rugby, ang alam ko yung pandikit lang eh! :)
Sure Kiko, madali lang yun kapag nanalo na kami…. sana! :)
October 15, 2008 at 4:34 pm |
ang Rugby po e isang laro na parang NFL (National Footbal League) or American Football. Ang pinagkaiba lang nila e walang helmet at rash guard o suit ang mga players ng Rugby dahil sila ay naka short at shirt lng pero ang iba ay nagsosuot rin shin guard. Parehas rin silang may goal pero ung style of play e medyo iba sa isat- isa.
:D
eto po ung link just in case: http://www.guardian.co.uk/sport/rugbyunion
October 16, 2008 at 9:59 pm |
pwede na sa akin ang hitech na kariton. :mrgreen: