
Here’s a nice entry by Andres — good story (matched with pictures) of a hidden(?) gem in Pandacan. I encourage you to read it from top to finish, most especially if you want to learn more about St. Clare Patronage of the Sick & Poor. Oh, by the way, in the set of pictures, you’ll also see one familiar Pandaqueño who’s been featured here in 1011 before. ;)
Enjoy!
—–
Alam niyo bang merong isang pagamutan sa Pandacan na gumagamit ng acupuncture at hilot? Ang acupuncture ay isang makalumang panggamot ng mga Chinese nuon pang 202BC-202AD at ang hilot naman ay isa ring tradisyunal na panggagamot ng mga Pilipino.
SAINT CLARE PATRONAGE OF THE SICK & POOR
Ang Saint Clare Patronage of the Sick and Poor ay matatagpuan bago dumating ng tulay ng Selya Street kung ikaw ay manggagaling mula sa Liwasang Balagtas. Nasa Bandang Kaliwa po ito. Kung inyong mapapansin sa bandang kanan ng kalye na inyong bababaan e may bagong tayong apartment, sa tapat lamang po nun e makikita na ang nasabing pagamutan. Ito rin po ay isang kumbento ng mga madre ng Franciscan Missionaries of Mary.
More (story and pictures!) if you read the rest …
HISTORY
Sa aking pagkakaalam at pagtatanong, ang pagamutan na ito ay itinayo pa nuong pre-war (ng World War 2). Mga madre ang mga nagsisilbing mga tagapangalaga sa may sakit sa mga mahihirap at nag-aalaga simula nuon at hanggang ngayon.
Si Sister Gloria Coquia ang alam kong namamahala sa ngayon. Kasama rin ni Sister Gloria sina Mang Rudy Cacdac at si Ginang Luz Ragay at ang mga naturuang mga estudyante nilang sina Ginang Rebecca Buenaventura, Mila Rapiz, Minda Pineda, Jane Regalado, Fannie Mastrile at Cristina Tejano. Sila po sa ngayon ang naggagabay, tumutulong, naggagamot at nagiging kaibigan ng mga taong ibig gumaling sa pamamaraan ng paggamot ng tradisyonal. Siya nga pala, si Ginang Minda Pineda pala ay mabibigyan ng karangalan ng Tropical Medicine sa kanyang walang humpay na deboto at serbisyo sa kapwa tao.
MISSION
Ang kanilang misyon sa buhay: ang maabot ang mga mahihirap, ang magamot ang mga may sakit at ang maalagaan ang mga naulila o nasaktan.
Hindi lamang mga mahihirap ang kanilang natutulungan kundi pati na rin ang mga may kaya sa buhay o angat sa pamumuhay. Sila Sister Gloria ay hindi humihingi ng malaking kapalait o kabayaran sa kanilang serbisyo kundi isang maliit at bukal sa loob na donasyon mula sa kanilang natulungan. Ang kanilang nalilikom na salapi ay ginagamit sa pangbayad ng kuryente, tubig, maintenance ng establisimiyento at pangkain o pangbayad pamasahe sa jeep ng mga katulong ni Sister Gloria.
WANT TO HELP?
Kung kayo po ay mapupunta sa kanilang lugar, makikita ang medyo kalumaan ng kanilang lugar o ang mismong bahay na ginawang pagamutan. Nangangailangan rin sila ng kaunting tulong mula sa inyo para rin maipagpatuloy ang kanilang pagtulong sa kapwa.
Paano makakatulong?
Puwede po kayong magsadya sa kanila at bumili ng kanilang sariling gawang peanut butter na palaman, sariling gawang mga kandila at mga gamot na herbal na mula pa sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas gaya ng langis na panghilot o ang malunggay capsule. Kung pera naman po ang inyong ibig na maibigay sa kanila eh maarin po sanang magsadya rin sa kanila ng personal at kausapin si Siter Gloria. At sya nga pala, tinutulungan rin sila ng ating PCSO para rin mag-ambag ng kahit anong maitutulong sa kanila. Tandaan po natin na ang tulong mo sa kanila ay tulong rin ang kapalit sa kapwa nila.
St. Clare Patronage of the Sick and Poor
Description: Religious, Charity
Address: 2499 Beata St., Pandacan, Manila
Telephone: 563-3070
Schedule of Services:
Acupuncture and Therapeutic Massage – Tuesday and Saturday (730AM – 1130AM)
Dental – Sunday (8AM – 12Noon)
Home Service for Therapeutic Massage – By appointment (call tel. number above)
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.



October 10, 2008 at 11:15 pm |
Dito ko nakilala si Andres na isa palang miyembro ng Philippine Team sa maraming larangan ng sports at ngayo’y kasabayan ko sa lingguhang accupunture treatment.
May ilang taon na rin nang ako ay magkasakit sa aking leeg na halos gabi-gabi ay idinadaing ko sa aking kabiyak na si Mai. SDi ako makatulog at madalas namimilipit sa sakit! Nagpa-physical theraphy pa ako at gumastos ng malaki sa isang malaking ospital nang kung ilang buwan. Pero sa accupinture ipinagkaloob ng Diyos ang aking kagalingan!
Kaya naman nang malaman kong mayroon dito sa Pandacan ng katulad na gamutan, minabuti ko namang idulog ang iba ko pang nararamdaman sa ngayon dahil sa ayaw ko na sanang lumonok ng iba’t ibang pilduras o kapsula. Masakit na sa bulsa, nakakabagot pa!
At sa maniwala kayo, sa ilang linggo ko pa lang na pagparito sa St. Clare ay malaki na ang ipinagbago ng aking kalagayang pangkalusugan, iginaang ng aking pakiramdam, at iginaling ng aking isa o dalawang mga sakit na halos pabalik-balik lamang tuwing ititigil ko ang gamot.
Ito po ay natural healing, at sa aking paniwala, ay inilaan ng Diyos sa mga nagtitiwala sa Kanya na tayo ay nilikhang may kakambal na kagalingan kung tayo ay may pananampalataya at namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Halina at subukan ninyo, kita tayo sa Sabado o Martes.
October 13, 2008 at 2:25 pm |
mas mainam nga itong tradisyunal na panggagamot nila at proven naman ito ever since.
di ka na mag-aalala kung may side effect ba sa atay mo or kung saan mang parte ng iyong katawan.
all natural process, langis lang at karayom ang katapat, gagaling ka na.
kasi minsan, di naman ng kailangan ng mga makinarya o mamahaling mga gamot, meron naman tayong mag herbal na pupuwedeng ipalit, di lang kasi natin alam kung pano gawin, nakakalimutan na ng mga bagong henerasyon lumingon sa pinaggalingan ng orihinal na medisina dahil alam ng malalaking kumpanya na di sila kikita rito at kung malalaman lang natin ang mga pamamaraan at sikreto ng mga gamot na herbal at iba pang natural e di ka na bibili ng gamot.
magtanim ka, makakatulong ka pa sa ozone.
October 13, 2008 at 4:19 pm |
maganda nga ang sumubok dito sa St. Clare dahil wala namang mawawala at maasikaso pa sila.
dito nga rin kami unang nagtagpo ni mang Tony.
gwapo pala sya sa personal at isa syang masiyahing tao.
saka Mang Tony, di pa pormal ang pagiging Phil. Team ko pero dati ay under ako ng Phil. Team Pool at dahil nasira agad ang aking tuhod ay natanggal rin ako.
Sa Phil. Team Pool po pumipili ang mga ipinanlalaban sa ibang lugar o bansa pero ang makapasok rito ay mahirap.
Yun na ang pinakamataas kong narating pero mas maganda ang narating ng aking mga kasamahan at estudiyante na ngayon ay nakapagtuturo na sa ibang bansa gaya ng sa Amerika at duon ako mas proud sa sarili ko at sa kanila.
Kaso, sa aking kalagayan ngayon e retirado na po ako bilang isang manlalaro ng aking napiling palakasan o sport.
Nasobrahan yata ako sa aking trabaho… ipinagsasabay ko kasi ang paglalaba, pagalmirol, pagsampay at pamamalancha :mrgreen:
November 25, 2008 at 11:20 pm |
babatiin ko lang si Mang Rudy ng kanyang 76 birthday (kahapon, November 24, 2008) happy birthday po and many more birthdays to come at sana ay marami pa po kayong mapagaling sa inyong God given gift of acupresure massage. Isa po kasi ako sa napagaling ni Mang Rudy sa injury ko na sciatica.
June 22, 2011 at 9:00 pm |
Matagal na ba si Mang Rudy sa Beata, Pandacan? Paano ko siya mako-contact? May cellphone number ba siya? May itatanong lang po ako tungkol sa isang dating residente ng Pandacan na nagsilbi sa kumbento at nagpa-ampon ng 2 anak. Please lang baka alam niya. Hinahanap siya at ang kapatid niya ng pinsan ko na nasa America na ngayon. Pa-text lang po ang contact info niya sa akin-=09189174796. Maraming salamat!
June 23, 2011 at 8:58 am
pls try to contact them at this number 563-3070
wala kaming personal contact numbers nila, nakilala namin sila sa lugar na yan, just ask them there, good luck
November 26, 2008 at 11:41 am |
Wow, milestone yan ah! Happy 76th po Mang Rudy! 8)