Residents react to Imelda Marcos as Hermana Mayor of Buling-Buling 2012

The designation of the former First Lady Imelda Romualdez-Marcos as the “Hermana Mayor” of Buling-Buling sa Pandacan 2012 has raised a lot of eyebrows among Pandacan residents. Considering her blemished past, they ask: “Why her?

In this post, you will read the official letter being circulated around from residents of our town, disapproving Imelda’s delegation. It is titled “Never Again” (English version) / “Huwag na ‘toy!” (Tagalog version). Any original formatting for emphasis has been retained.

Here’s the original Tagalog version sent to us via email:

Huwag na ‘toy!

Kami, na mga anak ng Pandacan, na ang ilan sa aming mga  pamilya ay nakapanirahan na dito nang mahigit isang siglo, ay lubos na nabigla nang si Imelda Marcos ay anyayahan ng isang lokal na grupong kultural na maging hermana mayor ng Buling-Buling sa taong ito! Ang  sayawang ito sa lansangan na isang tampok na bahagi ng pista ng Santo Nino sa aming distrito sa Enero 14, 2012 ay mahalagang tradisyon sa kultura at rehiliyon. Subali’t kung ang layunin ng mga patnugot ng Buling-Buling sa pag-anyaya kay Gng. Marcos ay makamit ang “star power” para sa okasyon, ganap silang naliligaw ng landas. Bagamat ang kanilang inaakalang hermana mayor ay tunay ngang kilalang personalidad, siya ay bantog rin sa mga karumal-dumal na dahilan – siya ay magbibigay lamang ng kahihiyan sa Pandacan.

Kailangan pa ba nating ipaalala sa ating mga kababayang taga-Pandacan na si Gng. Marcos ay ang nabubuhay na kabiyak ng mag-asawang diktadura na naghasik ng lagim sa bayan, nagpayaman sa pagod ng mamamayang Pilipino, at dumungis sa imahen ng Pilipinas? Sa mamamayan ng buong mundo, ang mga Marcos ay kasingkahulugan ng kamay na bakal at pang-aapi. Si Imelda mismo ay may natatanging katanyagan sa kanyang marangyang paglaladlad ng yaman at pagiging talamak na materyosa – na kahit ilang dekada na ang lumipas mula nang bumagsak ang diktadura, ang koleksyon ng sapatos ni Imelda ay tampulan pa rin ng katatawanan ukol sa mga tamad na mayayaman sa buong mundo.

Pinatutunayan sa mga dokumentong nasa kamay ng mga independyenteng ahensya – pribado at pampamahalaan pati na mga korte sa Pilipinas, Europa at Estado Unidos – na nagkaroon ng mahigit 10,000 biktima ng “torture”, “disappearances”, “extra-judicial killings”, at walang-batayang pag-aresto sa ilalim ng kamay na bakal ni Ferdinand Marcos. Ginawa ng diktadura ang mga ahensya ng gobyerno na mistulang mga instrumento sa pansariling layunin, ginamit maging ang mga embahada at konsulado para abutin ng kanyang malulupit na kamay ang mga komunidad ng mga Pilipino sa ibayong-dagat.   Ang mga Marcos ay walang-hiyang namuhay nang marangya gamit ang mga bilyones na kanilang kinamkam sampu ng kanilang mga kabarkada mula sa yaman ng bansa. Ang kanilang mga pandarambong ay nagbunga ng pag-urong ng bansa sa landas ng panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad. Kayat makatwiran lamang na sa kinalaunan ay sinipa sila ng bayang Pilipino mula sa kapangyarihan.

Ang paghirang kay Imelda Marcos bilang hermana mayor ay mag-iiwan ng maruming batik sa banal na tradisyon ng Buling-Buling! Ang kanyang presensya ay lalason sa masayang diwa ng ating Pista ng Mahal na Santo Nino at sisira sa  kasiyahan na karaniwang umiiral sa ganitong okasyon. Ang pagpaparangal kay Imelda Marcos bilang hermana mayor ay paglapastangan sa ipinagmamalaking kasaysayan ng Pandacan sa pagiging kandungan ng mga bayani na lumaban sa kolonyal na paghahari ng Espanya, Estados Unidos at Hapon. Marami sa mga residente ng Pandacan ang lumahok sa paglaban sa rehimeng Marcos. Kabilang sa kanilang mga ala-ala ukol sa mga Marcos ay mga selda ng bilangguan; “involuntary disappearance”, pagkasira ng isip at katawan o di kaya’y tuwirang pagkamatay ng mga mahal sa buhay; ang pagkitil sa mga demokratikong karapatan; at malungkot na sapilitang paninirahan sa ibayong-dagat. Ang paghirang kay Imelda Marcos bilang hermana mayor ay magiging pang-akit sa makatwirang protesta!

Kung inanyayahan ng mga patnugot ng Buling-Buling si Imelda Marcos bilang “anak” ng Pandacan, sila ay nagkamaling muli! Totoong may mansiyon ang angkang Romualdez sa Pandacan na kung saan tumira si Imelda nang maikling panahon kasama ang ilang kamag-anak. Subalit, ang mansyong ito ay hindi niya “ancestral home” tulad ng kanyang ipinapangalandakan. Siya ay hindi mula sa Pandacan at hindi Pandaqueno. Siya ay lumaking anak-mahirap sa Leyte at nang siya ay nasa kapangyarihan na, pinilit niyang ipamalita na ang mansiyon ay “ancestral home” niya bilang bahagi ng walang-hiyang kampanya na palabasin siyang anak-aristokrata na aayon sa kanyang “matayog” na katayuan bilang asawa ng diktador.

 

2 . . . .

Ang kasalukuyang katungkulan ni Imelda Marcos bilang miyembro ng Kongreso ay hindi dapat gamitin upang itago ang katotohanan na kailangan pa ng pamilya Marcos na magsagawa ng ganap na pagtutuos ng kanilang mga krimen sa bayan. Ang mga pamilya ng mga di-mabilang na biktima ay naghihintay pa ng hustisya. Ang mga Marcos ay hindi man lamang nagpapakita ng pagsisisi. Sa halip, sinasamantala nila ang kagandahang-loob ng mga Pilipino at ang kanilang mapagpatawad na katangian para sa isang desperadong pagtatangka ng mga Marcos na baguhin ang kasaysayan, pagtakpan ang kanilang masasamang gawain at ilugar ang kanilang mga sarili upang makabalik sa luklukan ng kapangyarihan.

Ang paghirang kay Imelda Marcos bilang hermana mayor ng Buling-Buling ay tumutulong lamang sa todo buhos na pagtatangka ng mga Marcos na itulak ang pambansang pagkalimot ( national amnesia ). Nakakahiyang isipin na may mga miyembro ng ating komunidad na bukas-loob na nagpapagamit para sa gayong panlilinlang. Nakakahiya na ginagamit pa nila ang banal na tradisyon sa kultura at relihiyon para itaguyod ang makitid na layuning pampulitika ng mga Marcos. At lalo pa itong magiging kahiya-hiya kung ang pagtatangka na dakilain si Imelda – ang pandaigdigang sagisag ng kasakiman at pang-aapi – ay magtatagumpay dahil pinili nating manahimik na lamang!

Nang may buong paggalang sa Sto. Nino de Pandacan Parish-RCC and sa Cathedral of Sto. Nino of Pandacan-IFI, kami, na lahat ay mga lehitimong anak ng Pandacan, ay matatag na nagpapahayag ng aming matibay na paninindigan na iwaksi si Imelda Marcos. Siya ay walang puwang bilang hermana mayor ng Buling-Buling sa ating pagdiriwang ng Pista ng Sto. Nino!

 

Below is the English version posted on our facebook wall:

Never Again!

We, sons and daughters of Pandacan, some of whose families have lived here for more than a century, are appalled that a local cultural group has invited Imelda Marcos to be the hermana mayor of this year’s Buling-Buling street dance! This festival, which is a highlight of the fiesta of the Santo Nino in our district on January 14, 2012, is indeed a rich cultural and religious tradition but if the Buling-Buling organizers’ aim in inviting Mrs. Marcos is to gain “star power” for their event, they are completely misguided. Although their putative hermana mayor is indeed a well-known personality, she is likewise notoriously known for dishonorable reasons – and she will only bring dishonor to Pandacan.

Need we remind our fellow Pandaquenos that Mrs. Marcos is the surviving partner of the conjugal dictatorship that terrorized the nation, enriched itself on the backs of the Filipino people, and sullied the Philippines’ image? To people the world over, the Marcoses have become synonymous with abusive and authoritarian rule. Imelda Marcos herself has the further distinction of being well-known for her ostentatious display of wealth and crass material accumulation – even decades after the fall of the dictatorship a reference to Imelda’s shoe collection is still the punch line for jokes about the idle rich the world over.

Independent sources – including courts in the Philippines, Europe and the United States — have documented more than 10,000 victims of torture, disappearances, extra-judicial killings and arbitrary arrests under Ferdinand Marcos’ strong-armed rule. The dictatorship turned government agencies into its private enforcers, even using the country’s embassies and consulates to extend its repressive reach to Filipino communities overseas. The Marcoses shamelessly lived high on the billions they and their favored cronies pilfered from the national wealth, and their depredations set back the country’s striving for socioeconomic progress. The Filipino people finally kicked them out of power for good reason.

Making Imelda Marcos hermana mayor taints the revered tradition of Buling-Buling! Her presence will poison the celebratory atmosphere of our Feast of the Holy Child and ruin the conviviality that marks the occasion. Honoring Imelda Marcos as hermana mayor is an affront to Pandacan’s proud history as a cradle of heroes who resisted colonial rule by Spain, the United States and Japan. And many of its residents were among those who participated in the fight against the Marcos regime. Their memories of the Marcoses include prison cells; the disappearance, maiming or death of loved ones; the suppression of democratic rights; and lonely exile. If feted as hermana mayor, Imelda Marcos will be a magnet of justifiable protests!

If the Buling-Buling’s organizers have invited Imelda Marcos as a “daughter” of Pandacan, they are again mistaken. While the Romualdez clan has an old mansion in Pandacan where Imelda Marcos lived with relatives for a spell, it is not her “ancestral home,” contrary to her claim. She is not from, nor is she of, Pandacan. She grew up poor in Leyte, and her attempt when she came to power to promote the mansion as her ancestral abode was part of a shameless campaign to conjure up aristocratic roots more fitting of her “elevated” status as the dictator’s wife.

Imelda Marcos’ current position as a member of Congress cannot disguise the fact that the Marcos family still has to fully account for its crimes against the people. The families of their countless victims still await retribution. Yet the Marcoses have not shown remorse. Instead, they are taking advantage of the Filipino’s generosity and forgiving disposition by desperately attempting to rewrite the past, whitewash their misdeeds and reposition themselves for a return to power.

Naming Imelda Marcos as hermana mayor of the Buling-Buling festival only contributes to the Marcoses’ concerted effort to promote national amnesia. It is a shame that some members of our community are willing to be used as instruments of such deception. It is a shame that they are deploying a revered cultural and religious tradition in the service of the Marcoses’ narrow political agenda. It would be an even greater shame if this effort to glorify Imelda–an international symbol of greed and oppression–succeeds because we are silent.

With all due respect to the Sto. Nino de Pandacan Parish-RCC and the Cathedral of Sto. Nino of Pandacan-IFI, we, all legitimate sons and daughters of Pandacan, strongly declare our firm stand in rejecting Imelda Marcos. She has no place in our hometown’s beloved commemoration of the Feast of the Sto. Nino as hermana mayor of this dance festival!

 


Editor’s Note: The author of this post received an email about the designation of Former First Lady Imelda Marcos as Hermana Mayor of this year’s Buling-Buling sa Pandacan a day before the said event. It was his intention to publish it as soon as the email sender responds to his publication request. It didn’t happen. And since the content of the email already hit the social sites like facebook and blogs, mypandacan.com decides to make this officially public on its site.

MyPandacan.com is run by an independent group. Although the staff support civic action groups and feature residents of the town, the staff do NOT endorse incumbent and former politicians to avoid biased reporting. They publish articles and aggregate news based on the information they receive and gather, and they do it diligently to the best of their abilities. The admins moderate and approve respectful comments by any visitors of this site but be reminded that it doesn’t necessarily mean it is a reflection of the mypandacan.com’s beliefs. Therefore, any harassment directed to the staff is undeserved and will not be tolerated. All they do is just report truthfully.

With that said, thank you for using this site and we hope you continue to support by sharing your stories and insights, or by sharing the articles to others. Happy Fiesta!

Avatar of Kiko

Kiko

Founding publisher of Pandacan1011.com / MyPandacan.com. Born and raised in Pandacan.

More Posts - Website

Related posts:

  1. Buling-buling ng Maynila sa Pandacan 2012 Ang Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan ay nag-aanunsiyo ng...
  2. “Kasali Pa Kami” – Ballroom night for Pandacan Senior Citizens All senior citizens of Pandacan are all invited to a...
  3. Sto. Niño de Pandacan Fiesta 2012 This year's Fiesta is extra-special as it is a prelude...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

16 comments on this topic

  • Avatar of Boyong Boyong
    January 15, 2012 at 9:40 pm | Reply

    habang nagsasalubong ang Sto.Nino ng Romano at Aglipay kagabi at nakatapat kay Gng. Marcos nagpaputok sila sa taas ng confetti, nang biglang nagshort ang primary lines ng meralco lines sa harap nila… was that a sign of??? hehehe

    happy fiesta pandacan… 

    • KKVRB
      January 21, 2012 at 4:30 pm | Reply

      isang aksidente na binibigyan mo ngayon ng kahulugan? napaka-negatibo ng iyong pag-iisip…
       
      Napaka-daming tao nung Buling-buling, tapos ngayon sasabihin nyo na madaming galit? edi kung tlagang matatapang kyo, nagpakita sana kyo ng pagtutol noong mga panahong iyon… Lumilingon lang si Mrs. Marcos sa kanyang pinanggalingan… Alam nyo, kung kayo ay tumutulong sa buling-buling, hindi na sana tayo nangangailangan ng tulong mula sa ibang tao… Ang kapal ng mukha nyong magreklamo eh nagbigay ba kyo ng kahit anung tulong para mapaganda ang Buling-buling? Nasaan  kyo noong mga panahong iyon? nanonood? nakiki-agaw ng pabango? pamaypay? Sana bago kayo magreklamo, maging aktibo kayong bahagi ng mga palatuntunan… Ginawa lang ito para sa Tersentenaryo ng Bayan… Kahit wala si Mrs. Marcos, alam kong mapapaganda ang pagdiriwang, iyon ay KUNG TUTULONG KAYO AT MAKIKIBAHAGI! pero wala, puro lang kyo reklamo…

  • Bobtom07
    January 18, 2012 at 9:23 am | Reply

    Nasaan kayo?

    Napakaraming reaksyon… napakaraming pagbatikos!
    Ngunit iisa lamang ang tanong na dapat ninyong sagutin… Nasaan kayo
    na tumatawag sa sarili ninyong pandaqueño sa panahong naghahanda sa
    kapistahan?

    Taga pandacan ba talaga kayo? o nagpapanggap na taga-rito? taun-taong 
    ginaganap ang Buling buling; taun taon ginaganap ang kapistahan, kaya’t
    hwag ninyong gagamitin ang pangangatwirang hindi ninyo alam…

    Ngayon sa katanungang bakist si imelda Marcos; at bakit hindi?
    Ang ninuno nilang si Daniel Romualdez, na minsang naging kabesa de
    Baranggay ay patunay lamang na silay may ugat rito; bakit hindi ninyo
    pansinin si Joel Cruz na hindi naman taga pandacan; dahilan sa katotohanang
    ang mga tulad pa ni joel Cruz na hindi taga-rito ang gumagawa ng dapat
    na ginagawa ng mga tulad ninyong nagpapakilalang taga-Pandacan.

    At sa aksidenteng nangyari sa harap ng bahay ng mga Marcos? senyales ba?
    Kakatwang pinapansin at pinupuna ninyo ang mga bagay na dapat ipagpasalamat.
    Hindi ba ninyo na pag isip na sa lakas ng pagsabog na iyon, dapat ay naputol na ang kawad ng kuryente na dapat lumikha ng mas grabeng sitwasyon? Hindi isa kundi dalawang beses na pagsabog ang naganap…ngunit anu ang nangyari lukob ng
    awa at proteksyon ng mahal na Poong Sto Niño ang buong pangyayari at hindi nang-yari ang dapat sanang malagim na aksidente. Anu ang tugon ng mga nasa ibaba?
    masigabong palakpakan at papuri sa kaligtasan mula sa sakuna na binabanggit sa twing aawit sa poon.

    Bago ninyo isa isahin ang mga pangyayari sa nakalipas na panahon; pansinin muna ninyo ang idinudulot ninyong kapabayaan sa makabagong panahon.
    Hindi namin sinasabing kalimutan ang nakalipas; ang sinasabi namin ay ang pagpapatawad at pagbibigay pagkakataon sa taong nagnanais magbigay papuri sa Mahal na Patron, na biyaya rin ng Diyos at dapat makita at tularan ng nakararami.

    UULITIN KO NASAAN KAYO SA PANAHONG NAGHAHANDA ANG PANDAKAN SA KAPISTAHAN AT HABANG NAGAGANAP ANG KAPISTAHAN?

    Kung sa bagay sa katapusan ng kapistahan ay may kasagutan, heto, bumabatikos sa bayang nagkakaisa upang magpasalamat at magpapuri sa Poong Sto Niño.
    Taga Pandacan ba talaga kayo? o mga taong nagsasabing maka-Diyos ngunit may paghihiganting inuumang sa kapwa? 

    • pokwang
      January 18, 2012 at 10:10 am | Reply

      Huwag niyong ibahin ang usapan. Hindi tinutuligsa ang piyesta at Sto. Nino. Malay niyo ba na hindi kami kasali sa paghahanda ng ilang aspeto ng selebrasyon. Hindi iyon ang isyu. Eto ang isyu–may ilan sa atin na mukhang kwarta. Madaling masilaw sa yaman at poder ng mga marcos at handang “magpatawad” sa krimen at pagnanakaw sa halagang 50,000 pesos–ginamit pa ang pangalan ng Sto. Nino.   

  • Bobtom07
    January 18, 2012 at 1:39 pm | Reply

    At iyan ay kung kaya ninyong mapatunayan na may nakinabang nga sa halagang iyong binabanggit. dahil Kung hindi… hindi maikakaila  na walang katuturan ang paninirang puri na ginagawa ninyo ukol sa Hermana ng Buling buling ng Pandacan.

    Ang hamon ngayon ay Patunayan ninyo… patunayan mo!

    Huwad at masamang pag-iisip…

  • Arnel Agravante
    January 20, 2012 at 5:48 am | Reply

    (Boyong
    January 15, 2012 at 9:40 pm | Reply
    habang nagsasalubong ang Sto.Nino ng Romano at Aglipay kagabi at nakatapat kay Gng. Marcos nagpaputok sila sa taas ng confetti, nang biglang nagshort ang primary lines ng meralco lines sa harap nila… was that a sign of??? hehehe
     
    happy fiesta pandacan… )
    Well that was the wake up sign for all of us to abandon that pagan religion… God hates idol worship… look Imelda was lambasted by fellow catholic… is that what you should get from those idols? read your bible to know God… He wants to save us…  God Bless everybody
     

    • KKVRB
      January 21, 2012 at 4:40 pm | Reply

      hoy arnel, hindi kaya ikaw ang kinamumuhian ng Diyos? wala kang pakiealam kung naniniwala kmi sa Santo… Ako bilang katoliko, napakadami kong biyaya mula sa Diyos, eh kung pinaparusahan ang mga katoliko dahil sa kanilang paniniwala, bakit kami binibiyayaan ng Diyos? Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa! Hindi tinitignan ng Panginoon kung anung relihiyon ka, ang tao mismo ang kanyang kinikilatis… anu bang relihiyon mo at parang pantas ka na nagtuturo samin? tanging DIYOS lang ang nakakaalam, kaya wag kang hahatol sa katwiran mo… kung nagbabasa ka ng bibliya, hindi itinuturo doon ang pangungutya sa iba lalu na sa kanilang paniniwala… In***l!!!

  • Bobtom07
    January 20, 2012 at 10:38 am | Reply

    That is so Judgmental! 

    Such opinions would only be appropriate if you keep yourself entertained through selfish conclusion that the faith towards the Holy Child or the Sto. Niño or other icons such as the Nazareno as mere idolatry.

    and another thing… didn’t you know that iconography started way ahead of the Holy Bible’s completion? My point is, early Christian is already practicing such devotion with the endorsement of the Holy Apostles of Christ whom are the authors of the Holy Bible. Opinions of Pagan religiosity is so in appropriate towards the Roman Catholicism for this practice for, it is one the basis of deepening and to be commune with Jesus.   

    “You cannot understand what faith every individual has…  if you don’t experience God through such affection.”

    This is what Pandaquenyo Faith is all about… respecting other beliefs… that though separated through beliefs they are commune in Jesus; “showing and not only saying” what He said… 

  • Bobtom07
    January 21, 2012 at 9:11 am | Reply

    Inquirer:January 21 issue;
    Article by Kristine Alave

    “50B SUIT VS MARCOSES, VERS JUNKED”

    Asan na yung mga naglathala dito ng napakaraming
    kaso laban sa pamilya ng mga Marcoses?
    Sabi nyo matibay ang kaso laban sa kanila?
    E mismong sandiganbayan na siyang itinatag ng 1986 constitution
    pa ang nagpapawalang sala sa mga inaakusahan nyo/mo!
    Tapos ang sasabihin hindi inasikaso eh si Noynoy AQUINO ang nakaupo.

    Ang hirap sa mga maiingay, puros ingay ayaw naman kumilos!

    Hala ipila nyo na yang mga nginangawngaw nyo/mo sa mga korte
    at baka maubusan na ng kaso na ipapataw sa mga inaakusahan nyo/mo! 

    Mga Huwad at masasamang magisip! 

  • Avatar of Boyong Boyong
    January 21, 2012 at 9:35 am | Reply

    @Bobtom07 parang kahapon ka lang pinanganak kung ipagtanggol mo ang mga Marcoses, di pa ba sapat ang mga napapanood mo sa TV tuwing inaalala ang mga pagsasamatala ng mga pamilyang yan sa Pilipinas, di ba naikwento sayo ng magulang mo o ng mga kamag-anak mo kung ano ang mga ginawa sa mga kababayan natin ng mga yan?

    ang batas pwedeng paikutin pero ang katotohanan hindi. mukhang Marcoses na ata ang idolo mo kesa sa ating Patron? di kaya? :whistle:  

  • bobtom07
    January 21, 2012 at 1:42 pm | Reply

    At ako pa ngayon ang may pag-aalinlangan sa Patron?
    At ikaw? hahaha… kakatwa naman talaga ang mga pag-iisip ng ilan…

    mahirap patulan ang mga nilalang na may paguugali na ibinabaling sa iba ang kanilang katangian.

    hahaha…

    Kung dyan ka masaya, bahala ka! 
    Huwag mong kalimutang magbanlaw sa paghuhugas kamay mo.
    makati ang sabon sa kamay. hahahahaha

  • Avatar of KKVRB KKVRB
    January 21, 2012 at 6:54 pm | Reply

    Nakakatuwang isipin na putak kayo ng putak eh sana tumulong kayo nung paghahanda para sa okasyon ng buling-buling… Hindi na sana tayo kukuha ng kahit anung tulong mula sa labas kung kayo ay NAKIKIBAHAGI AT TUMUTULONG SA ANUMANG PARAAN… Pera ba ang pinaguusapan dito? may mga nakinabang? kilala mo ba kung sino ang nakinabang?
     
    Hindi pumunta si Mrs. Marcos ng Pandacan para pagtakpan ang anumang kasong ini-uugnay sa kanya… Layunin niyang balikan at kilalanin ang kanyang nakaraan na nagsimula sa ating munting bayan… Hindi matatakpan ng kahit anung intriga oh kaso ang katotohanang iyon, kaya kahit tumutol kayo, may karapatan siyang pamunuan ang mga palatuntunan gaya ng pamumuno ng kanyang mga ninuno sa Pandacan… Alam kong mapapaganda naman natin ang pagdiriwang ng wala si Mrs. Marcos kung sana ay nakikipagtulungan kayo sa pamunuan ng buling-buling… Hindi gawang biro ang iniuukol na oras, talino, at lakas, lalu na ang pondong pagkukunan para maisagawa ang palatuntunan, kaya sana ay bago kayo magsalita laban sa pamunuan ng buling-buling, tanungin nyo muna ang inyong mga sarili kung ‘ANU BA ANG NAGING KONTRIBUSYON KO PARA SA OKASYONG ITO NA MAGBIBIGAY SAKIN NG KARAPATAN HATULAN KO NG KUNG ANU-ANONG MGA BAGAY ANG MGA TAONG NAGING BAHAGI NG PAGDIRIWANG NA ITO!’
     
    kung lahat lang SANA ay tumutulong, HINDI na natin kailangan pang HUMINGI ng TULONG mula sa LABAS!!!

  • nina
    January 25, 2012 at 11:32 am | Reply

    natapos na ang fiesta… salamat sa organizers ng Buling at muli nairaos natin ang maksaysayang okasyon na ito para sa Pandacan.  hindi biro ang mgasagawa ng pagdiriwang na katulad na ito… hindi rin biro ang lumapit sa mga tao, kumpanya at grupo para sa paghingi ng suporta.  hindi ako lehitimong taga-Pandacan, pero mahal ko ang bayan na ito.  hiling ko na sana iwaksi natin na bahiran ng kulay pulitika ang nasabing pagdiriwang.  ang pagdating ng Marcoses ay hindi para ituring natin na politikong hakbangin… maganda na makita natin sila bilang pag-aalala na sila ay bahagi ng nakaraan ng Pandacan.
    saludo ako sa organizers ng Buling-Buling 2012. nawa magtulungan tayong lahat para sa 300th selebrasyon ng Pandacan para sa Mayo :heart: .
     

  • Avatar of KKVRB KKVRB
    January 25, 2012 at 3:35 pm | Reply

    Maraming salamat Nina… Sana ganyan din ang pananaw ng ibang tao katulad ng iyong sinabi… Wala namang masamang intensyon ang kahit na sino sa pagkuha kay Mrs. Marcos bilang hermana… Maraming salamat tlaga…

  • bobtom07
    January 27, 2012 at 11:05 am | Reply

    Ngayon ang hamon… kayong mga may nag-aalab na damdamin para kanyo sa pinakamamahal na bayan ng pandacan;

    STAND UP AND RISE!

    TUMAYO KAYO at ITAAS ANG KAMAY, bukas ang pintuan ng tagapamahala ng
    ika 300 taon ng Pandacan para sa Mayo!

    Halina kayo at panindigan ninyo ang pag-ibig na sinasabi ninyo.

    mag-email: sskpandacan@gmail.com 

    mag-aantay kami! 

Leave a Reply

You can use these HTML tags:

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

  

  

  

:alien: :angel: :angry: :blink: :blush: :cheerful: :cool: :cwy: :devil: :dizzy: :ermm: :face: :getlost: :biggrin: :happy: :heart: :kissing: :lol: :ninja: :pinch: :pouty: :sad: :shocked: :sick: :sideways: :silly: :sleeping: :smile: :tongue: :unsure: :w00t: :wassat: :whistle: :wink: :wub:

Activity


  • Activity See all on our Activity Page

    Quick Chat

    Archives See more in our Archives

    Login

     Subscribe in a reader

    Enter your email address to receive free PANDACAN updates:

    Check your email to confirm

    Groups View all Groups or CREATE one

    Forum Activities